Kabanata 13-20

Kabanata 13

Buod: Naglalakad ang magkakapatid hanggang sa may nakita silang balon. Nagtataka sila kung bakit sa ganda ay walang may nagmamay-ari nito. Sabi ni Don Juan ay bababain niya ang balon dahil may hiwaga raw ito. Ngunit ang sabi ng dalawa niyang kapatid ay mas matanda sila kaya dapat sila ang mauna. Nauna si Don Pedro ngunit hindi niya kinaya. Sumunod si Don Diego ngunit hindi ren niya kinaya. Ang nahuli ay si Don Juan at nagawa niya. Namangha siya sa nakita niya sa ibaba ng balon.

Mga Gabay Na Tanong:

  • Bakit naisipang babain ni Don Juan ang balon?
  • Bakit nauna si Don Pedro kahit na ang nakaisip babain ang balon ay si Don Juan?
  • Sino raw ang gumawa ng makakamangang balon?

Tayutay:

507

Aporismo– Kahit anong problema raw ay hindi niya uurungan. Ang pagkatalo ay dahil sa kahinaan o “cowardice”.

ito’y di ‘ko uurungan,

ang malaking kabiguan

ay bunga ng karuwagan.

Kabanata 14

Buod: Nang makarating sa ibaba ng balon, nakita agad ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana. Gusto ni Don Juan isama si Donya Juana paalis ng balon ngunit may tagabantay siya. Isang Higante. Pero malakas ang loob ni Don Juan at kinalaban niya. Natalo ni Don Juan at niyaya ulit niya si Donya Juana umalis subalit maiiwan raw niya and kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na may tagabantay namang isang Serpyente na may 7 ulo. Kaya pupuntahan ren ni Don Juan si Donya Leonora.

Mga Gabay Na Tanong:

  • Ilan na ang nakain ng Higante?
  • Bakit ang lakas ng loob lumaban ni Don Juan para kay Donya Juana?
  • Ano ang kakalabanin ni Don Juan para kay Donya Leonora?

 

Tayutay:

Pagtutulad- Inihahambing ang sigaw ng higante sa kidlat o “thunder”.

Prinsesa’y di nakasagot,

kinalibutan sa takot,

Higante sa kanyang poot,

Sumisigaw, parang kulog!

Kabanata 15

Buod: Nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang si Donya Leonora. Kagaya sa nangyari kay Don Juan nang nakita niya si Donya Juana, nagkagusto siya agad kay Donya Leonora. Nag-usap nang matagal ang dalawa at habang nag-uusap ang dalawa, konti-konti silang nahuhulog sa isa’t isa. Pagkatapos ay kinalaban ni Don Juan ang Serpyente. Sa una ay nahirapan siya ngunit nang ibinigay ni Donya Leonora ang balsamo, mabilis nang natalo ni Don Juan ang Serpyente. Tapos ay dinaanan nila si Donya Juana para maka-alis na ng balon.

Mga Gabay Na Tanong:

  • Ano kaya ang nagustuhan ni Don Juan kay Donya Leonora at nag-iba agad ang isip ni Don Juan?
  • Paano natalo ni Don Juan ang Serpyente kahit na ang ulo nito ay bumabalik?
  • Sasabihin kaya ni Don Juan kay Donya Juana na iba na agad ang mahal niya?

Tayutay:

614

Pagmamalabis- Paano magiging lunas o gamot ang titig?

pabango sa aking dibdib,

tuwing ako’y mahahapis

lunas na ang iyong titig.

Kabanata 16

Buod: Nakataas na ng balon sina Don Juan at Donya Leonora. Nabihag agad ng kagandahan ni Donya Leonora si Don Pedro. Nang naglalakad na sila pauwi ng Armenya, naalala ni Donya Leonora ang kanyang singsing na minana sakanya ng kanyang ina. Bumalik si Don Juan sa balon para kunin ang singsing. Ngunit nang sumilan babain ulit ni Don Juan ang balon, pinagtaksilan nanaman siya ng kanyang kapatid na si Don Pedro. Pinutol ang lubid na gamit ni Don Juan. Nagalit si Donya Leonora kay Don Pedro pero sabi ni Don Pedro na siya naman daw ang magmamana ng kaharian at si Don Juan ay walang mamamana dahil siya ang bunso. Inutusan ni Donya Leonora ang dala niyang Lobo na tulungan at gamutin si Don Juan bago sila umalis.

Mga Bagay Na Tanong:

  • Ano ang naiwang gamit ni Donya Leonora na minana sa kanya ng kanyang ina?
  • Gaano pa lamang kalayo si Don Juan bago putulin ni Don Pedro ang lubid?
  • Ano ang dahilan ni Don Perdo kung bakit siya ang mas OK kesa kay Don Juan?

Tayutay:

Pagmamalabis- Imbosibleng kumukulo ang dugo pero ang sinasabi dito ay kung gaano siya kagalit kay Don Pedro. Sobrang galit ang nararamdaman ni Donya Leonora.

Si Leonora’y walang kibo

dugo niya’y kumukulo,

lason sa dibdib at puso

kay Don Pedrong panunuyo.

Kabanata 17

Buod: Bumalik si Don Pedro at Don Diego sa Berbanya. Tinanong ni Don Fernando ang dalawa kung nakita nila si Juan pero sabi nila hindi, pero meron sila naligtas doon. Si Donya Juana at si Donya Leonora. Agad, hinahanda nila ang kasal ni Don Diego at Donya Juana. Tinanong ni Pedro kay Leonora kung pwede n asila kumasal, pero iniibig pa rin ni Leonora si Juan.

Mga Gabay na Tanong

  • Bakit sila ay nagsinugaling na hindi nakita nila si Don Juan?
  • Bakit tinanong ng hari, kung nakita nila si Don Juan?
  • Bakit hindi pumayag si Leonora sa kasal niya at Pedro?

Tayutay

712

“O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos

Panawagan (Dahil tumatawag siya sa taong hindi niya kaharap) Kinakausap niya ang panginoon at nagpapasalamat.

Kabanata 18

Buod: Ginagamot ng Lobo si Don Juan. Nagdadala siya ng tatlong bote ng tubig. Inibig ni Juan ang lobo parang bata. Nakita ni Juan ang Ibong Adarna. Sinabi ng Ibong Adarna na dapat limutan niya si Leonora at may mas magandang dalaga sa Kaharian ng De Los Kristales.

Mga Gabay na Tanong

  • Sino ang tatay ng dalaga?
  • Saan sila nakatira?
  • Sinuman ang kapatid ni Maria Blanca?

Tayutay

741

Niyakap at pinagyamang parang batang minamahal.

Pagtutulad (parang bata raw kung mahalin siya)   Parang bata na minahal ng hari ang Adarna.

Kabanata 19

Buod: Nagkulong si Leonora. Nagpapakasal si Pedro kay Leonora pero ayaw ni Leonora. Humingi si Leonora  ng pitong taon para maghintay siya para kay Juan.

Mga Gabay na Tanong

  • Bakit ayaw magpakasal si Leonora?
  • Anong nangyari kay Pedro?
  • Bakit naghingi si Leonora ng pitong taon?

Tayutay

815

“Ininom na yaong tubing, Kristal waring anong linis.”

Pagtutulad (Dahil ikinumpara niya)  Kasing linis ng tubig ang isang kristal.

Kabanata 20

Buod: Pumasok si Pedro sa kwarto ni Leonora at sinabi niya na dapat limutan mo na si Juan. Hihintayin niya pa rin daw si Juan sabi ni Leonora.

Mga Gabay na Tanong

  • Ano ang hinihintay ni Leonora?
  • Ano ang gusto ni Pedro?
  • Ano ang ginagawa ng prinsesa?

Tayutay

854 “Kung talagang ikaw’y patay, magkita sa ibang buhay.”  Panawagan (dahil wala si Juan doon).  Sinasabi na makikita sila sa kabilang buhay pagkatapos na sila mamatay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: